Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. nitong Miyerkules ang pagpapalaya sa isa pang Pinoy na si Noralyn Babadilla na kabilang sa hinostage ng militanteng grupo na Hamas nitong nakaraang buwan.

Sa kanyang official X (dating Twitter) account, sinabi ni Marcos na ligtas na ang nasabing Pinoy at sumasailalim na sa medical evaluation sa isang ospital sa Tel Aviv sa Israel.

Ang naturang Pinoy ay isa ring Israeli citizen.

“Just days after expressing concern for Noralyn Babadilla’s whereabouts, I am very happy to announce that Noralyn is safely back in Israel, becoming the second Filipino released from Gaza. All Filipinos affected by the war have been accounted for," anang Pangulo.

National

Harry Roque, iboboto si Quiboloy bilang senador: ‘Kinikilala niya ang Panginoon’

“I have entrusted our officials at the Philippine Embassy in Tel Aviv to attend to her needs in coordination with Israeli authorities,” aniya. We extend our sincerest gratitude to Israeli authorities for facilitating the release of Babadilla, as well as for all ongoing assistance to Filipinos in Israel," pagdidiin ng punong ehekutibo.

Pinasalamatan din ni Marcos ang gobyerno ng Egypt at Qatar dahil sa pagtulong nito sa pamahalaan para tuluyang mapalaya si Babadilla.

Matatandaang bumisita si Babadilla sa mga kaibigan nito sa Kibbutz Nirim, kasama ang partner na si Gideon Babani nitong Oktubre 7 nang magsimula ang giyera sa pagitan ng Israeli forces at Hamas.

Pinatay ng Hamas si Babani at dinala naman nila si Babadilla sa Gaza, kasama ang iba pang bihag.