Dumating muli sa Boracay ang cruise ship na MV Norwegian Jewel nitong Miyerkules na may lulang 2,000 bisita.

Sa Facebook post ng Malay-Boracay Tourism Office, dakong 9:00 ng umaga nang dumaong sa isla ang barko mula sa Palawan.

Siyam na oras lamang ang nasabing cruise ship sa naturang isla at ito ay bibiyahe patungong Manila.

Tourism

Direct flights mula 'Pinas patungong Paris, posible na sa Disyembre!

Matatandaang bumisita rin sa Boracay ang MV Norwegian Jewel nitong Nobyembre 3, sakay ang tinatayang aabot sa 1,600 pasahero.

Kamakailan ay dumaong sa Puerto Princesa, Palawan ang luxury cruise ship na MS Silver Whisper, lulan ang 382 turista at 300 tripulante. 

Naging sikat sa mga cruise ship ang bansa matapos masungkit ng Pilipinas ang Asia's Best Cruise Destination 2023 sa nakaraang World Cruise Awards.