Nawalan ng mamahaling iPhone ang former Miss Universe Philippines 2014-TV host na si MJ Lastimosa sa isang exclusive store sa Alabang na ibinahagi niya sa kaniyang Facebook post nitong Martes, Nobyembre 28.

"Araaay first time ko manakawan ng phone sa loob pa ng Landers Superstore, happy birthday to me," mababasa sa kaniyang caption.

Kaloka lang dahil pati sa pagkawala ng cellphone ni MJ ay may mga nag-comment na isinisi pa ito ng ilang netizens kay Nawat Itsaragrisil, ang Thai media personality at businessperson, na mas kilala bilang president ng Miss Grand International Organization.

National

Painting ni Amorsolo sa private museum sa NegOcc, ninakaw!

MAKI-BALITA: ‘F.O. na!’ MGI founder Nawat Itsaragrisil banas kay MJ Lastimosa

Ang sabi, "Jusko mare. Di ko akalaing may magnanakaw ng phone sa loob nyan. Inutusan ni Nawat yan. Hahahahaha. Charot."

Sinagot naman ni MJ ang naging comment ng netizen.

"Lahat kasalanan nya mare? kaloka kaaaa."

Matatandaang tinapos ni Nawat ang friendship na mayroon sila ni MJ pagkatapos makarating sa kaniya ang lumang vlog ng interview niya kay Maki Gingoyon na isang transgender beauty queen.

Tinanong kasi ni MJ si Maki ng "What’s the worst pageant in the Philippines?” Sinagot ng huli ang Miss Grand International na sinabayan nila ng tawanan. Dahilan para magngitngit sa inis si Nawat.

Kaaliw naman ang hirit ng ilang netizens dahil nagawa pa nilang batiin si MJ ng happy birthday dahil sa caption na ginawa nito na actually katatapos lang ng birthday ni MJ noong Nobyembre 23.

'Ika pa ni MJ na bigyan ng pansin o action ng store ang nangyaring pagkawala ng kaniyang cellphone para magkaroon na rin daw ng kamalayan ang shoppers.

Nagdagdag pa ng salaysay si MJ kung paano nawala ang kaniyang cellphone.

"May nag papicture lang, diko din namalayan when exactly nawala"

Sinubukan daw ni MJ gawin ang paraan para mahanap ang kaniyang phone.

"I tried find my iphone ang sketchy nung place sa bulacan tas yun na di na malocate."

Todo naman ang bigay ng payo ng netizens upang matulungan si MJ na mahanap ang phone na binili niya na regalo pa man din sa kaniyang sarili.