Nadagdag sa listahan ng artists ng Viva Artists Agency (VAA) ang Kapamilya singer na si Fearless Diva Jona Viray.

Isinagawa ang contract signing at press conference nitong Martes ng hapon, Nobyembre 28 sa tanggapan mismo ng Viva.

"LOOK: Asia’s Fearless Diva Jona formally joins Viva! 🧡."

"Welcome to VAA, Jona! We’re looking forward to a lot of exciting and fresh projects with you. ✨," mababasa sa caption ng Facebook post ng Viva sa kanilang opisyal na Facebook page.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Isa sa mga natanong kay Jona ay kung mananatili pa ba siyang Kapamilya? ABS-CBN at Star Music ang nangalaga sa karera ni Jona simula nang mag-ober da bakod siya rito noong 2015.

Yes daw at mapapanood pa rin siya sa musical noontime show na "ASAP Natin 'To."

Pero sa pagpirma niya sa Viva, mas mag-eexplore daw ang diva singer sa pag-arte, na hindi na bago sa kaniya noong nasa GMA Network pa siya.

Si Jona ay grand winner ng singing contest show na "Pinoy Pop Superstar" noong 2004 hosted by Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid.

Naging bahagi siya ng defunct-musical noontime show ng Kapuso Network gaya ng "SOP," "Party Pilipinas," at "Sunday All-Stars" bago siya lumipat ng Kapamilya Network.

Good luck, Jona!