Flinex ng kilalang social media personality at voice over talent na si Inka Magnaye ang litrato nila ng chef celebrity at mister ni Anne Curtis na si Erwan Heussaff, dahil sa isang kolaborasyon.

Si Inka ay ang boses na naririnig sa mga eroplano ng Philippine Airlines at iba pang advertisement ng iba't ibang brands at products.

"I just watched my video with Erwan where we were having really good conversation and just eating all the most popular dishes ordered thru GrabFood and I loved it so much!! Well-produced!!"

"Have u guys seen it yet?," aniya.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Sa comment section ay isang intrigerang netizen ang nagkomento.

"Lagot ka Kay Anne Curtis charizzz."

Komento naman ni Inka, "truthfully she is one of my girl crushes and I'm just using Erwan to get to her 🤫🤐."

Humingi naman ng sorry ang netizen at biro lang daw ang sinabi niya, "Inka Magnaye haha charizz lang idol hehe."

Pero reply naman ni Inka, "ako hindi charizz I love Anne 😩❤️."

Photo courtesy: Inka Magnaye (FB)

Nakakaloka talaga ang mga netizen na malisyoso/a!