‘Never in her wildest dreams’ daw ng aktres na si Bianca Manalo ang makapag-celebrate ng birthday sa Malacañang.

Sa Instagram, nag-upload si Bianca ng mga pictures mula sa birthday celebration niya sa Malacañang.

Bianca Manalo nag-walk out sa isang eksena sa ‘Magandang Dilag’

Kasama niya ang nobyo niyang ni Senator Win Gatchalian maging sina President Bongbong Marcos at First Lady Liza Araneta-Marcos, at iba pang mga senator na kasama rin ang mga asawa nito.

“Never in my wildest dreams have I ever thought of celebrating my birthday in Malacañang, to be hosted by our very own President Bongbong Marcos and First Lady Liza Araneta-Marcos. Together with the Philippine Senators and Spouses,” ani Bianca sa caption.

“I am beyond grateful! I am 37 but still feels 27,” dagdag pa niya.

Bongga!

Huling napanood si Bianca sa telebisyon sa katatapos lang na teleserye na “Magandang Dilag.”

Matatandaang naiulat din ng Balita na nag-walk out siya habang kinukunan ang isang eksena.

Maki-Balita: Bianca Manalo nag-walk out sa isang eksena sa ‘Magandang Dilag’