Patuloy na makaaapekto ang northeast monsoon o amihan at easterlies sa malaking bahagi ng bansa, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nitong Miyerkules, Nobyembre 29.

Sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, malaki ang tsansang magkaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Mainland Cagayan, Isabela, Aurora, Bulacan, Rizal, Laguna, Quezon, Bicol Region, Eastern Visayas, Caraga, at Davao Region bunsod ng easterlies o ang mainit na hanging nanggagaling umano sa karagatang Pasipiko.

Maulap na kalangitan na may kasamang pag-ulan naman ang posibleng maranasan sa Batanes at Babuyan Islands dulot ng amihan.

Posible umano ang pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa sa mga nasabing lugar tuwing magkakaroon ng malakas na ulan.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Samantala, malaki ang tsansang makaranas ng medyo maulap hanggang sa maulap na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms ang Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa bunsod ng localized thunderstorms at ng easterlies.

Posible rin umanong magdulot ng pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa sa mga nasabing lugar tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.