Sinabi ni Los Baños, Laguna Councilor Leren Mae Bautista na nakakaramdam siya ng awa sa boyfriend na si Ricci Rivero dahil ginagawa itong katatawanan sa tuwing nababanggit ang "labada."

Ibinahagi ni Ogie Diaz sa kaniyang showbiz news vlog na "Showbiz Update" ang sinabi ni Leren nang makapanayam niya ito tungkol sa isyu.

“We’re just making fun of us na lang kasi nga ‘di ba parang na-quote na rin na si (Ricci) hindi naglalaba," aniya.

"So, parang kami, sige let's just make fun of it na lang kasi kawawa din naman din siya since ganoon na nga ‘yong tingin ng tao sa kaniya na parang hindi nga raw siya naglalaba,” dagdag ng dating beauty queen na ngayon ay konsehala.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

“Sabi ko gawin na lang nating light ‘yong parang negative na ginagawa ng mga tao sa kaniya,” pahayag pa niya.

Matatandaang kamakailan lamang ay pabirong sinabi ni Leren na ipaglalaba niya ng mga damit ang boyfriend.

Nag-ugat ang kantiyaw na ito nang sabihin ng ex-girlfriend ni Ricci na si Andrea Brillantes, sa vlog nila ni Vice Ganda, na nagkaroon siya ng ex-boyfriend na hindi nagpapa-laundry ng mga damit sa loob ng isang taon.

Bagama't walang binanggit na pangalan, ang napagdiskitahan ng publiko ay si Ricci dahil siya ang recent ex nito.

MAKI-BALITA: Leren, Ricci nag-asaran tungkol sa labada

MAKI-BALITA: Ex ni Andrea na hindi nagpapa-laundry nang isang taon, tinukoy ng netizens

MAKI-BALITA:  Isyu tungkol sa ‘laundry’ paninira lang, palag ni Ricci kay Andrea

MAKI-BALITA: Ricci, kukunin daw endorser ng sabong panlaba