Ibinida ng American actor at ex-partner ni Pokwang na si Lee O'Brian ang bonding moments nila ng anak na si Malia, batay sa kaniyang Instagram post nitong Nobyembre 27.

Ayon sa caption, mukhang nagkita ang mag-ama nitong long weekend at muling nagkasama sa larawan, magmula nang pumutok ang isyung "pinalayas" ni Pokwang ang ama ng kaniyang anak sa kanilang bahay, at sumabog na nga ang isyu ng hiwalayan.

"Had a blast this weekend with you , my dear @malia_obrian . Love you sweetie!!," mababasa sa caption.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa comment section, natuwa ang mga netizen sa pagkikita ng mag-ama.

"Finally the [ex] decided to let her daughter be with her Dad. And it's so nice to see them both together again.🙌😍❤️."

"Daddy's girl, good to see you guys together 😇🙏❤️."

"Daddy Girl Glad to see you both spent time together love love❤️💕🥰🫰🙏."

"Malia with daddy Lee❤️❤️❤️Look at the smile! Happy to see you both together!😍"

Sa tatlong ibinahaging larawan ni O'Brian, ni isa ay hindi makikita si Pokwang dito.

Hindi naman nagbigay ng updates si Pokwang hinggil sa pagkikita ng kaniyang anak at ama nito.