Tila hindi kumbinsido si showbiz columnist Cristy Fermin sa inilabas na pahayag ni TV host-actress Karla Estrada tungkol sa hiwalayan ng anak nitong si Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Sa isang episode ng programang “Cristy Ferminute” nitong Lunes, Nobyembre 27, sinabi ni Cristy na nalalabuan umano siya sa pahayag na sinabi ni Karla.

“Very vague. Malawak. Kuwestiyonable. Hindi niya inamin alin ba doon ang hindi totoo. Hindi ba totoo na siya ang nagdaldal tungkol sa paghihiwalay ng anak niya at ni Kathryn? O hindi totoo na nag-break na ang dalawa?” ani Cristy.

Dagdag pa niya: “‘Yun ang kailangang maturol ngayon ng mga Kathryn-Daniel fans, di ba. Kailangan talaga, kailangan. Kaysa naman ‘yung ganyan na ang hawak lang nila ay false hope na tuloy pa rin ang pagmamahalan ng kanilang mga idolo.”  

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Isiniwalat kasi ni Cristy kamakailan sa isang episode ng “Showbiz Now Na” na totoong hiwalay na umano sina Daniel at Kathryn dahil kay Karla pa raw mismong nanggaling ang balita.

Sumagot naman si Karla hinggil dito at ayon sa kaniya, wala umanong katotohanan ang pasabog na ito ni Cristy. Hindi rin daw siya nanghihimasok sa buhay ng kaniyang mga anak.

MAKI-BALITA: Karla Estrada, nagsalita na tungkol sa isyung hiwalayan ng KathNiel

Matatandaang nagsimulang umugong ang balita tungkol sa hiwalayan ng dalawa noong itsika ni showbiz columnist Ogie Diaz na palihim umanong nagkikita sina Daniel at Andrea Brillantes.

MAKI-BALITA:  Sitsit ng source ni Ogie: Daniel at Andrea, palihim na nagkikita?

Lalong lumakas ang alingasngas na hiwalay na sina Daniel at Kathryn nang i-unfollow ng huli si Andrea.

MAKI-BALITA: Kathryn Bernardo, inunfollow si Andrea Brillantes sa IG?

Gumanti naman si Andrea sa ginawang ito ni Kathryn sa kaniya.

MAKI-BALITA: Andrea inunfollow na rin si Kathryn, pero naka-follow kay Daniel