Usap-usapan ang latest episode sa vlog na "Pinoy Pawnstars" ni Boss Toyo kung saan isang mag-ina ang lumapit sa kaniya upang ibenta ang kanilang "antigong" palanggana, sa halagang ₱1 milyong piso.

Salaysay ng mga nagbebenta, pamana pa raw sa kaniya iyon ng kaniyang 87-anyos na nanay sa kaniya, na pamana naman din umano sa kaniya, kaya mas matanda pa raw sa nanay niya ang edad ng nabanggit na palanggana.

53-anyos naman ang nanay na lumapit kay Boss Toyo upang ipagbenta ang palanggana.

Inisip pa ni Boss Toyo kung ano ang something special sa palanggana para payagan niyang bilhin ito. Baka nga raw ito ang palangganang ginamit ng aktor na si Roderick Paulate sa isa sa mga pelikula nito.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nang suriin naman ng expert at antique collector na si Angelo Bernardo, sinabi nitong tila gawa lamang daw sa aluminum ang palanggana at hindi naman daw collector's item ang isang palanggana kaya hindi ito aabot sa milyon.

Hindi binili ni Boss Toyo ang palanggana subalit binigyan niya naman ng pamasahe ang mag-ina bilang pampalubag-loob.