Bukod kay Miss Universe Philippines 2023 Michelle Marquez Dee, sentro din ng atensyon ang nakababata niyang kapatid na si Abraham Lawyer dahil sa hindi maitatangging good looks at charm nito na puwedeng-puwedeng pasukin ang showbiz.

Sa "Fast Talk with Boy Abunda" ay sorpresang sumama si Abraham sa panayam ng King of Talk kay Michelle matapos ang pagbabalik sa Pilipinas.

Nang diretsahing tanungin si Abraham kung mag-aartista ba, "yeah" ang sagot nito.

Segunda naman ni Michelle, kung may maipe-present na proyekto sa kapatid, grab the opportunity.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Si Abraham Lawyer o Abe ay anak nina Melanie Marquez's at American husband Adam Lawyer.

Kung pagbabatayan ang mga Instagram posts ni Abraham, makikitang mahilig siya sa mga hayop at nature tripping, partikular sa pangangabayo.

Malapit siya sa kaniyang mga ate at maka-nanay rin, patunay ang ilang appreciation post niya kay Melanie.

"Mothers provide the confidence we may lack in ourselves, understand our struggles and work to make a home full of joy and structure. They can also be present to those who are unfortunate to have such a blessing. My sisters Maxine and Michelle have been those blessings to me; beautiful yet humble, patient and loving... they in my heart are who I will always see as my mothers. Thank you ♡," aniya sa isang IG post noong Mayo 10, 2021, matapos ang paggunita ng "Mothers' Day" sa Pilipinas.