Usap-usapan sa X ang kulitan ng "It's Showtime" hosts na sina Vice Ganda at Jhong Hilario sa segment na "Tawag ng Tanghalan" sa nabanggit na programa.
Nagkulitan kasi sina Vice Ganda at Jhong, at ginamit pa ng komedyante ang mga pahayag laban sa kaniya ng showbiz columnist na si Cristy Fermin.
"Tandaan mo, lalaki ka, hindi ka babae," natatawang hirit ni Vice Ganda na ikinatawa naman ni Jhong at ng madlang people.
"Nagpapanggap ka lang na babae," hirit pa nito.
https://twitter.com/thequeenanima/status/1729020791524851789
Matapos nito ay humirit pa si Vice ng "Bwak Bwak Bwak Bwak" na hango naman sa mukha ng halimaw na ibinahagi niya sa kasagsagan ng isyu.
Matatandaang pumalag si Cristy sa naging pasaring ni Vice Ganda tungkol sa isang "Cristy" na nagpapakalat ng kasinungalingan. Naganap ito nang kausapin niya ang isang contestant ng bagong segment ng Showtime na "Me Choose Me Choose."
“Kumusta ka, Cristy? Anong pinagkakaabalahan mo, Cristy, bukod sa paggawa ng mga kasinungalingan?” tanong ni Vice.
MAKI-BALITA: Vice Ganda may patutsada kay ‘Cristy’
MAKI-BALITA: Vice Ganda may sagot kay Cristy Fermin?
Kinabukasan ay agad na sumagot si Cristy sa kaniyang programang "Cristy Ferminute" na umeere sa One PH tuwing hapon.
MAKI-BALITA: Cristy Fermin sa patutsada ni Vice Ganda: ‘Bakit hindi niya ako diretsuhin?’
“Hindi naman kami ipinanganak kahapon para hindi namin maturol na ako talaga ang pinatatamaan ni Vice Ganda. Ang hindi lang maganda puro patagilid ang kaniyang bira,” saad ng showbiz columnist.
Binanatan pa nito ang sexual preference ni Vice Ganda.
“Kung ‘yon ay pagsisinungaling bakit kinatigan ang aking pagsisinungaling ng MTRCB at pinatawan kayo ng 12 araw na suspensyon? Bakit ang ating kababayan ay kumalaban din sa ginawa n’yo? Bakit kinasuhan ka rin ng hanay ng mga abogado?” sey ni Cristy.
“Kung ang pagsisinungaling sa’yo ay masama, tama ‘yon. Pero kung ang pagsisinungaling ay pagsasabi ng katotohanan sa interpretasyon ng marami dapat tanggapin mo.
“Ang hirap kasi sa’yo, Vice, mula nang ikaw ay nakatikim ng popularidad, inangkin mo na ang mundo na ikaw na ang gitna, ikaw ang araw at umiikot lang ang lahat ng tao sa show business na parang mga planeta sa iyo. Dapat mong malaman na planeta ka lang din na tulad namin. Hindi ikaw ang araw,” pasaring pa ng showbiz columnist.
“Marespeto ko po na binibigyan ng pagkilala ang lahat ng mga miyembro ng LGBTQ+ community. Ang komunidad n’yo po ay aking tinatanggap, ipinagtatangol, at iginagalang,” aniya pa.
“Vice Ganda, hindi ka tunay na babae. Lalaki ka. Lalaki ka Vice Ganda. Nagpapanggap ka lang na babae. Ngayon kapag ika’y bumibiyahe sa isang mahabang-mahabang kalye, tinawag ka ng kalikasan, bababa ka sa sasakyan, hahanap ka ng puno, at doon ka ji-jingle [iihi]…”
MAKI-BALITA: Cristy Fermin kay Vice Ganda: ‘Hindi ka tunay na babae’