Nagsama sa commercial ng isang sikat na fast-food chain sina Vice Ganda at Paolo Ballesteros, batay sa bagong labas na advertisement ng McDonalds.

Makikitang parehong mala-drag queen sina Vice Ganda at Paolo na "magkaribal" sa noontime show subalit magkaibigan sa tunay na buhay.

Siyempre, naipasok nila sa mga linyahan nila ang pamosong tawag nila sa mga manonood at tagasuporta ng kanilang magkatapat na noontime shows: ang madlang people para sa It's Showtime at dabarkads para sa "E.A.T."

https://twitter.com/McDo_PH/status/1728987009614492038

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Natuwa naman ang mga netizen sa pagsasama ng dalawa; at least, kahit man lang daw sa commercial ay makita silang dalawang magkasama.