Nabanggit ni Ogie Diaz sa kaniyang entertainment vlog na "Showbiz Update" na may nakarating daw sa kaniyang sitsit na umano'y may mga kumakausap daw na ilang tao sa ABS-CBN management para patigilin siya sa pagbabalita patungkol sa isyung hiwalay na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Napag-usapan kasi nila ang tungkol sa mga showbiz couple break-ups na una nilang natsika sa vlog, pagkatapos, eventually ay totoo pala, kagaya na lamang ng relasyong Elijah Canlas-Miles Ocampo.

Matatandaang mula mismo sa bibig ni Elijah ang kumpirmasyong wala na sila ni Miles, ilang buwan na ang nakalilipas.

Kaya nasabi ni Mama Loi, co-host ni Ogie, nagkakataong napapatunayang totoo ang mga naibabalita ni Ogie. Depensa naman ni Ogie, lagi naman silang may disclaimer sa vlog na ang mga ibinabalita nila ay pawang nakararating lamang din sa kanila, at hindi pa kumpirmado.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Pagdating naman sa isyu ng KathNiel, mas mainam daw na mula mismo sa kanila manggaling ang totoo.

Anyway, may nasagap na tsika si Ogie na may ilang tao raw na nakikipag-usap sa ABS-CBN management na kung puwedeng patigilin daw siya sa kaniyang mga sinasabi patungkol sa KathNiel, lalo na kay Daniel.

Nang tanungin kung may tumawag na raw mula sa management, wala pa naman daw natatanggap na tawag o mensahe ang showbiz columnist mula sa kanila at pinakiusapan siyang tumahimik na kaugnay sa isyu, so far.

Gayundin, may nakarating din umano sa kaniya na nakarating umano sa kampo ni Kathryn ang balita tungkol dito, at ang sabi raw ay "Let them be."

Meaning to say, hinahayaan lamang daw silang gawin ang kanilang trabaho at walang pagtatangkang patahimikin sila sa kaniyang ginagawa.

Paglilinaw ni Ogie, hindi mismo si Kathryn ang nagsabing "let them be" kundi isa o ilang tao mula sa kaniyang panig.

Matatandaang sa Showbiz Update unang napag-usapan ang tungkol sa hiwalayan ng KathNiel at ang pagkakasangkot dito ng isa pang Kapamilya star na si Andrea Brillantes.

Dahil dito, nagalit ang fans ng mga artistang sangkot at tinawag na fake news peddler si Ogie.

Nanindigan naman si Ogie na ang ibinalita niya ay tsika o sitsit lamang sa kaniya, at wala pang kumpirmasyon mula sa KathNiel o kahit na sinoman sa kanila.

Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang kibo o pahayag ang KathNiel o maging si Andrea tungkol sa isyu.