Sang-ayon ang social media personality na si Rendon Labador na palayasin na sa TV5 si showbiz columnist Cristy Fermin.

Sa isang artikulong iniulat ng Balita hinggil sa panawagan ng mga netizen na tanggalin sa nasabing TV network si Cristy, mababasa roon ang komento ni Rendon.

MAKI-BALITA: Sigaw ng netizens: ‘Cristy, palayasin sa TV5!’

“Bakit ngayon nyo lang naisip yan? wala naman na kasing nanunuod diyan 🤣🤣🤣 Sayang lang yung airtime,” ani Rendon.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Sey tuloy ng isang netizen: “Ikaw na lang pumalit lodi, Real Talk, Truth Hurts name ng show mo.”

“Kampi na kayo ni Vice Ganda,” sabi naman ng isa pa.

Matatandaang nag-ugat ang panawagang palayasin si Cristy sa TV5 matapos niyang palagan ang tila pagpaparinig ni Vice sa kaniya.

MAKI-BALITA:  Cristy Fermin sa patutsada ni Vice Ganda: ‘Bakit hindi niya ako diretsuhin?’

Bukod dito, sinabihan niya rin ang komedyante na hindi umano tunay na babae.

MAKI-BALITA: Cristy Fermin kay Vice Ganda: ‘Hindi ka tunay na babae’

Sa isang episode kasi ng “It’s Showtime” pabirong kinumusta ni Vice ang pagpapakalat ng kasinungalingan ng isang contestant na nagngangalang “Cristy”.

MAKI-BALITA: Vice Ganda may patutsada kay ‘Cristy’