Julia nag-throwback sa 'A Love to Last;' netizens, hinanap si 'stepmom'

Usap-usapan ang Instagram post ni Julia Barretto kung saan nag-flex siya ng ilang photos niya noon at ngayon.

May caption itong "Happy days 🫂."

Ilan sa mga larawan ay kasama niya ang cast members ng "A Love to Last," ang huling seryeng kinabilangan niya sa ABS-CBN. Kasama niya sa litrato ang mga nagsilbing magulang niya rito na sina Ian Veneracion at Iza Calzado, at ang bunsong kapatid na ginampanan ni JK Labajo.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Nag-reply naman sa comment section si Iza.

"ILYSM!!!! So happy we finally did our famileee reunion!!! ❤️❤️❤️," anang Iza.

Hindi naman sigurado kung old photos na iyon o recent lang matapos nilang magkita-kita.

Pero ang mga netizen, may hinanap sa larawan. Makikita ito sa comment section ng iba't ibang social media pages na nagbalita rito.

Nasaan daw ba si "stepmom?"

Ang stepmom sa kuwento, na siyang lead star sa serye, ay ginampanan ni Kapuso star Bea Alonzo.

Alam naman ng lahat na hanggang ngayon, kahit may sari-sarili na silang jowa, wala pang balita ng reconciliation sa pagitan nina Bea at Julia, dahil sa pagkakaugnay kay Gerald Anderson.