Hiniritan ni “Unkabogable Star” Vice Ganda ang mga tsismosa sa isang episode ng “It’s Showtime” nitong Sabado, Nobyembre 25.

Sa isang segment kasi ng nasabing noontime show na “Me Choose, Me Choose”, isang contestant ang bumati sa mga kapitbahay niyang tsismosa.

Sey tuloy ni Vice: “Binabati mo mga tsismosa? Anong pangalan ng tsismosang ‘yan? Batiin natin ‘yang mga tsismosang ‘yan.”

Nilalagyan pa ng diin ni Vice ang bawat bigkas niya sa salitang “tsismosa”.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

“Sino ho ba ‘yung mga binabati n’yo?” usisa naman ni Vhong Navarro sa contestant na nagngangalang Norma.

Sagot ni Norma: “Mga kapitbahay ko.”

“Masasaya ba ‘yung mga kapitbahay na tsismosa sa inyo?” tanong pa ni Vice.

“Masaya naman po sila,” tugon ni Norma.

“Di ba nanggagalaiti ‘yung mga tsismosa sa inyo?” usisa ulit ni Vice sabay baling sa camera.

Sagot ni Norma, hindi naman daw. Isa rin daw kasi siya sa mga ito.

Matatandaang kamakailan lang ay may patutsada rin si Vice sa contestant ng nasabing segment na nagngangalang Cristy.

MAKI-BALITA: Vice Ganda may patutsada kay ‘Cristy’

Agad namang nag-react sa patutsadang ito ang showbiz columnist na si Cristy Fermin.

MAKI-BALITA: Cristy Fermin sa patutsada ni Vice Ganda: ‘Bakit hindi niya ako diretsuhin?’