Ex-OFW na taga-Pasig, kumubra ng halos ₱22M sa lotto
Nanalo ng halos ₱22 milyong jackpot sa lotto ang isang dating overseas Filipino worker (OFW) na taga-Pasig City, sa isinagawang 6/42 draw dalawang buwan na ang nakararaan.
Sinabi ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), isang 65-anyos ang nabanggit na mananayang nakapag-uwi ng ₱21,966,450.20 matapos mahulaan ang 6 digits na winning combination na 25-10-14-17-19-42.
Sa pahayag ng nasabing mananaya, nagsimula siyang tumaya ng lotto noong 1995 at noong 2018, muntik na itong manalo matapos mahulaan ang lima sa winning numbers.
Ito na aniya ang nag-udyok sa kanya upang ipagpatuloy pa ang pagtaya.
Aniya, gagamitin nito ang napanalunan sa pagtatayo ng negosyo.
PNA