Sumalang sa hot seat si Kapuso actress-host Cassy Legaspi sa latest episode ng “Sarap ‘Di Ba” nitong Sabado, Nobyembre 25.

Tinanong si Cassy ng kakambal na si Mavy Legaspi kung ano raw ang pinakamatinding pinagdaanan ng relasyon nila ni Kapamilya singer-actor Darren Espanto.

“Just like any other friendship out there. Siyempre minsan, nag-aaway or something. But then me and D [Darren] kasi, I don’t know. Our relationship is so hard to explain, e. Basta gets na namin na who we are to each other in our lives,” saad ni Cassy.

“So, one of our promises was we would not let other people’s opinions get in the way of our friendship,” aniya.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Dagdag pa niya, sa dami ng judgement at pressure na natatanggap nila, sa huli, ipinapaalala umano nila sa kanilang mga sarili kung gaano sila ka-special sa isa’t isa. 

“And I think that’s what matters the most that now we both know who we are in each other’s life,” pahayag pa niya. 

Matatandaang ilang beses nang naispatan ang kanilang mga sweet moment pero hanggang ngayon ay “special friend” pa rin umano ang turing nila sa isa’t isa.

MAKI-BALITA: Darren Espanto, nag-‘labyu’ na kay Cassy Legaspi, pero ‘friend’ pa rin daw: ‘We’re not rushing…’

MAKI-BALITA: Darren Espanto, Cassy Legaspi, naispatang magkasama sa isang web series premiere; fans, kinilig!