
(AFP/FB)
Attack aircraft ng PH na nagpapatrolya sa WPS, iniikutan ng 2 Chinese fighter jets
Iniikutan ng dalawang Chinese fighter jet ang light attack aircraft ng Pilipinas na kasama ng tropa ng Australia na nagpapatrolya sa West Philippine Sea (WPS) nitong Linggo, ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP).
"It was confirmed as per reports received that two Chinese fighter jets were monitored orbiting the Philippines' A-29B Super Tucano at the vicinity of Hubo Reef in the West Philippine Sea," ani Philippine Army (PA) spokesperson, Col.l Xerxes Trinidad sa isang television interview.
Gayunman, nilinaw ni Trinidad na nagpatuloy lamang sa kanilang paglipad ang dalawang Chinese aircraft.
Ang isinagawang sea and air exercises sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas ay bahagi ng tatlong araw na Maritime Cooperative Activity sa pagitan ng puwersa ng Pilipinas at Australian Defence Force.
Inumpisahan ang pagsasanay nitong Nobyembre 25.
Matatandaang sinita ng China ang Pilipinas dahil sa pagkuha ng mga grupo ng dayuhan upang magpatrolya sa EEZ.
Ang Philippine-Australia joint patrol ay sinimulan nitong Nobyembre 25.