Personally ay nakakaramdam ng awa si Lolit Solis sa kontrobersiyal na Kapamilya star na si Andrea Brillantes dahil sunod-sunod ang mga ipinupukol na intriga sa kaniya, simula noon hanggang ngayon.

Parang hindi na nga napapahinga at tinatantanan ng isyu si Andrea, lalo na nang magkahiwalay sila ng ex-boyfriend na si Ricci Rivero, at hindi pa nga humuhupa masyado, heto't iniuugnay naman siya sa usap-usapang hiwalayan daw nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Pero para kay Lolit na isang showbiz columnist at talent manager, tila nakakatulong daw sa kasikatan ni Andrea ang mga ipinupukol na isyu sa kaniya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Para daw kasing ang "hot" niya sa mata ng mga lalaki.

"Salve alam mo bang naawa ako kay Andrea Brillantes dahil sa mga sinasabi at iniisip ng mga tao sa kanya. Iyon bang tumatak na iyon mga controversy na nagawa niya at ngayon tuloy iniisip nila na ganuon nga talaga si Andrea sa tunay na buhay."

"Pero siguro iyon controversy na iyon ang nagbigay 'hotness' sa personality niya. Alam mo bang crush siya ng mga teeners na lalaki at para sa kanila siya ang pinaka yummy youngstar sa ngayon."

"Lahat ng mga controversy tungkol kay Andrea Brillantes parang naging way pa para isipin ng mga teeners na very hot at liberal si Andrea kaya number 1 sa listahan ng mga crush nilang youngstars."

Sey pa ni Lolit, iba raw ang datingan ni Blythe na parang maihahambing niya sa bold stars noon.

"Iba din dating niya niya, parang young bold star na pang teeners. Kaya naman very yummy siya sa mga mata ng mga kabataan."

Pero wish ni Lolit, "Sana nga hindi sa tutoong buhay ang mga pagiging wild ng image ni Andrea dahil sayang. Isa siya sa pinaka promising na youngstar sa ngayon. Maganda at talented kaya naman crush ng bayan."

MAKI-BALITA: Sitsit ng source ni Ogie: Daniel at Andrea, palihim na nagkikita?