Naglabas ng opisyal na pahayag ang pamunuan ng Miss Universe Philippines kaugnay ng isyung nag-ugat sa isang viral video ni Michelle Dee na tila pinaalis daw sa pictorial kasama ang ilang kandidata ng Miss Universe, at ang owner nito na si Anne Jakrajutatip.

Sa video na naka-upload sa "Pageant Bulletin," makikitang nag-guest sa isang TV show sa Mexico sina Michelle at iba pang kandidata na kinabibilangan nina Miss Lebanon, Miss Germany, Miss Colomba, Miss Thailand, Miss USA, at Miss Venezuela.

Nilapitan ng isang dalawang babaeng staff si Michelle at binulungan, at pagkatapos ay makikitang inescort nila paalis si MMD.

Si Anne at ang iba pang kandidata naman ay nag-usap-usap at tila nagtatawanan pa.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens patungkol dito, lalo na ang mga Pilipino na hindi naunawaan ang lengguwaheng naririnig sa video.

"Bakit kaya sinama pa nila si Michelle kung papaalisin din?"

"Ang hirap naman maintindihan... pero nakakaintriga bakit umalis at inescort pa si MMD."

"What's happening? Ano 'yon, pinalayas?"

"Idk pero naiiyak ako for MMD. Hindi niya deserve yung ganong treatment."

Ngunit ayon naman sa mga lumabas na ulat, prior daw nito ay nagpaalam daw si MMD na baka puwede na siyang mauna kagaad bumalik sa hotel dahil masama ang kaniyang pakiramdam.

"Before the media guesting she asked the staff if she can leave early kasi masama pakiramdam nya after the guesting and photos of the group were already taken the staff asked the owner if pede ba mauna sa hotel si MMD and they said yes

so lumapit sila kay MMD to tell her that they asked on her behalf if she can leave early and the bosses said yes

so she left na," paliwanag ng isang commenter.

Pinatotohanan naman ito ng post ni MMD, "Suddenly felt so lightheaded so I'm going back to the hotel! Don't feel so well after that first media guesting."

"Love, empathy, & kindness over everything," dagdag pa niya.

MAKI-BALITA: ‘Pagpapaalis’ kay Michelle Dee sa pictorial ng Miss U candidates, pinalagan

Mababasa naman sa opisyal na Facebook page ng MUPH ang kanilang paliwanag tungkol dito.

Minabuti raw ng Miss Universe management na pagpahingahin na si Michelle matapos nitong sabihing masama na ang timpla niya.