Binawi na ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ng isang babaeng driver na sangkot sa aksidente sa Calamba, Laguna nitong Nobyembre 1 na ikinasawi ng apat na katao.

Paliwanag ni LTO Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II, natuklasang nasa impluwensya ng alak ang nasabing driver nang maganap ang aksidente.

Aniya, malinaw na nilabag ng nasabing driver ang Republic Act (RA) 4136, o ang Land Transportation and Traffic Code, at RA 10586, o ang Anti-Drunk and Drugged Act of 2013.

Nauna nang iniutos ni Mendoza na patawan ng 90-day preventive suspension ang lisensya ng naturang motorista kasunod ng aksidente na ikinasawi ng apat na miyembro ng isang pamilya.

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev

Sa imbestigasyon, natuklasang kumabig sa kabilang lane ang driver kaya't nabangga nito ang tatlong sasakyan sa Brgy. Bucal.

“Magsilbing aral sana ito sa lahat ng ating mga motorista tungkol sa panganib na dulot ng pagmamaneho ng nakainom. May naghihintay sa ating mga mahal sa buhay sa ating mga tahanan at may mga buhay na maaring madamay sa iresponsableng pagmamaneho,” dagdag pa ng opisyal.