Nagbigay na ng pahayag ang ina ni Kapamilya star Daniel Padilla na si Karla Estrada tungkol sa kumakalat na balita tungkol sa kaniyang anak.

Sa Facebook account ni Karla nitong Biyernes, Nobyembre 24, ni-reshare niya ang isang art card mula sa isang online news platform.

“Ito po ay walang katotohanan. Kailan man ay hindi ko panghihimasukan o pangungunahan ang personal na buhay ng mga anak ko,” ani Karla.

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

Makikita kasi sa nasabing art card ang pahayag ni showbiz columnist Cristy Fermin na nagsasabing umamin na raw si Karla na totoong hiwalay na umano si Daniel sa jowa nitong si Kathryn Bernardo.

Matatandaang nagsimula ang isyu ng hiwalayan ng dalawang celebrity couple nang itsika ni Ogie Diaz na palihim umanong nagkikita si Daniel at ang kapuwa Kapamilya star na si Andrea Brillantes.

MAKI-BALITA: Sitsit ng source ni Ogie: Daniel at Andrea, palihim na nagkikita?

Lalong lumakas ang alingasngas na hiwalay na sina Daniel at Kathryn nang i-unfollow ng huli si Andrea.

MAKI-BALITA: Kathryn Bernardo, inunfollow si Andrea Brillantes sa IG?

Gumanti naman si Andrea sa ginawang ito ni Kathryn sa kaniya.[spacing size=""]

MAKI-BALITA: Andrea inunfollow na rin si Kathryn, pero naka-follow kay Daniel