Nagpahayag ng paghanga ang showbiz columnist na si Cristy Fermin kay Kapamilya star Andrea Brillantes.

Sa isang episode kasi ng “Showbiz Now Na” nitong Biyernes, Nobyembre 24, sinabi ni Cristy na tila nagkaroon umano ng pagbabago sa pagkatao ni Andrea kahit pinupupog ito ngayon dahil sa pagkakadawit sa isyu ng hiwalayang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

“Bilib ako sa batang ito. Kasi iba na ang pananaw niya ngayon. Dati raw kapagka ganyan, benggadora siya, e. Lumalaban siya. ‘Pumapatas ako’, sabi niya, ‘pero ngayon, ang iniisip ko na lang puro positibo. Gagawin ko ang trabaho ko. Papakinggan ko sila pero di ko papaniwalaan para hindi ako masaktan’,” ani Cristy.

Segunda naman ng co-host niyang si Romel Chika: “Saka itong si Andreang ‘to, matured na mag-isip. Pinatatag ng panahon…Kaya kapag nagsasalita siya, mga ka-chika, talagang mararamdaman mo lalo na kung pamilya ang pag-uusapan. Ramdam na ramdam mo.”

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Pati si Cristy ay sumang-ayon sa sinabing ito ni Romel.

“‘Pag nagkuwento siya tungkol sa pamilya, ako talaga anong-ano ako, e, sinsero,” saad ng showbiz columnist.

Matatandaang kamakailan lang ay sinabi ni Andrea sa isang panayam na mas nakapokus siya sa trabaho kaysa lalaki dahil siya umano ang breadwinner ng pamilya.

MAKI-BALITA: Andrea mas nakapokus sa work, mga bayarin kaysa lalaki