Usap-usapan sa social media ang umano'y buradong komento ni Queen of All Media Kris Aquino sa Instagram post ni Batangas Vice Governor Mark Leviste, tungkol sa pagdalo nito sa isang awarding ceremony.

Kasama kasi sa mga nabanggit niya sa post ang kaniyang "special someone" na si Kris.

"My family and I would like to thank Batangas City Councilor @macaraigandrea for successfully nominating Ronin. Likewise, I am humbled to represent Ronin during the Awards Night and accept the trophy on his behalf since he, Coun. Andrea, my youngest son @conradoleviste and my mother @patsieleviste are currently in the United States to celebrate Thanksgiving with @krisaquino 💛," aniya sa post.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Bagay na "pinalagan" naman ni Kis matapos niyang sabihing mini-mislead daw ni Mark ang mga tao sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Mababasa sa kumakalat umanong deleted comment na na-screenshot na kinukumpirma ni Kris na hiwalay na talaga sila ni Mark noon pang Nobyembre 3.

Gumamit pa si Kris ng hashtag na #noregrets.

Photo courtesy: Kris Aquino (IG) via Fashion Pulis

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Sir sana po di magbago ang pagtingin po ninyo sa aming Queen of all Media. God bless your love and health of Kris."

"Congratulations to all the winners👏👏👏 naku sana huwag ng pabebr c Kris kasi madalang lang ang mga lalakeng katulad ni VG Mark, na sobrang magmahal and bagay magka level ang brain at yaman nila, walang pg na naghahabol ng mana😢."

"Nalungkot ako noong sabihin ni miss Kris na wala na po kayo sir Mark pero since sinabi mo love love love masaya na ulet ako thanks God."

"@markleviste I hope and pray things will work out between you and @krisaquino. You were able to wait 20 yrs anyway. What is 1 yr and a half more di ba? Pls keep understanding and don’t fight fire with fire. Don’t give up hangga’t alam mong mahal ka pa din niya. Happy thanksgiving!"