Nanumpa na si Rafael dela Cruz Consing, Jr. bilang presidente at Chief Executive Officer (CEO) ng Maharlika Investment Corporation nitong Biyernes, Nobyembre 24.

Mismong si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang nagpanumpa kay Consing sa kanyang puwesto.

Matatandaang inanunsyo ng Malacañang nitong Nobyembre 13 na itinalaga ni Marcos si Consing sa naturang puwesto.

National

'Julian' malapit nang maging 'super typhoon'; Signal No. 4, itinaas sa 2 lugar sa Luzon

Si Consing ay dating Executive Director ng Office of the Presidential Adviser for Investment & Economic Affairs (OPAIEA) na pinapalakad niya araw-araw at nagbibigay din siya ng policy recommendations upang maisulong ang investment at economic agenda ng Pangulo.