Nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 11 pasahero at siyam na tripulante makaraang lumubog ang sinasakyang motorized banca sa karagatang pagitan ng Fuga Island at Sanchez Mira, Cagayan nitong Huwebes.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sa report, patungo sana sa naturang isla ang mga pasahero mula sa Sanchez Mira, lulan ng MB LA78, nang mapansin ng mga tripulante na nasira ang gitnang bahagi ng bangka kaya't pinasok ng tubig.

Matapos matanggap ang impormasyon kaugnay ng insidente, kaagad na ipinadala ng CG District North Eastern Luzon ang kanilang search and rescue team sa lugar, kasama ang mga tauhan ng Clavera local government unit at pulisya.

Nang masagip ang mga pasahero at tripulante, kaagad silang binigyan ng medical aid ng mga tauhan ng CG Sub-Station at rural health unit ng Claveria.

Maayos na ang kalagayan ng 11 pasahero at siyam na crew, ayon pa sa PCG.