Hinanap ng mga netizen ang aktres na si Sarah Lahbati sa binyag ng anak ni Rocky Gutierrez na kapatid ng kaniyang asawang si Richard Gutierrez.

Sa isang Instagram post kasi ni Ruffa Gutierrez kamakailan, mapapansin na hindi kasama si Sarah kasama sa mga larawang ibinahagi ng kapatid ng kaniyang asawa.

Sey tuloy ni showbiz columnist Cristy Fermin: “Kitang-kita naman kasi ‘yung kakaiba. Na dati-dati lagi siya sa mga bonding, sa mga piging ng pamilya Gutierrez. Pero ngayon nagpabinyag si Rocky—ang anak ni Tito Eddie at Tita Annabelle—wala na naman si Sarah Lahbati.”

“Kapansin-pansin din kasi itong si Ruffa G nag-post na si Richard Gutierrez at saka dalawang anak lang niya ang kasama sa picture,” dagdag pa ng co-host niyang si Romel Chika.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Pero pagtatama ni Cristy: “Hindi, ‘yung isa nasa Siargao, nasa Surigao ‘yung isa dahil tinuturuan nga raw n’ong daddy ni Sarah na mag-diving. So ‘yung isa lang siguro ang kasama ni Richard”.

Matatandaang nagsimula ang alingasngas na hiwalay na sina Sarah at Richard nang mapansin ng mga netizen na hindi magkasama ang dalawa sa mga ibinahagi nilang larawan sa kani-kanilang Instagram account noong Nobyembre 4.

MAKI-BALITA: Richard at Sarah ayaw tantanan ng mga marites sa isyung hiwalay na

Lumabas din ang balita na ang dahilan umano ng hiwalayan ng mag-asawa ay ang ina ni Richard na si Annabelle Rama.

MAKI-BALITA: Kazel Kinouchi at Richard Gutierrez iniintriga, inurirat sa socmed

Pati ang Kapuso actress na si Kazel Kinouchi ay nadawit din ang pangalan sa isyung ito.

MAKI-BALITA: Kazel Kinouchi at Richard Gutierrez iniintriga, inurirat sa socmed

Pero hanggang ngayon, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pa ring inilalabas na pahayag, reaksiyon, o tugon ang mga sangkot na tao tungkol dito.