Nagbigay na ng pahayag si “Eat Bulaga” host Paolo Contis tungkol sa umuugong na balitang may namumuong relasyon sa kanila ng kapuwa niya host na si Arra Agustin.

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Miyerkules, Nobyembre 22, tuluyan nang tinuldukan ni Paolo ang mga pala-palagay ng sambayanan tungkol sa kanila nina Yen at Arra.

Sa portion kasi na “Talk or Dare” ng nasabing programa, mas pinili ni Paolo na sagutin ang dalawang tanong na “kayo ba talaga ni Arra, o kayo pa rin ni Yen?” 

“Kami pa ni Yen. And alam mo ‘yung kumakalat sa amin ni Arra, it's an edited video of a portion in 'Eat Bulaga' and it was maliciously edited," pahayag ni Paolo.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Dagdag pa niya: "It's a skit, [a love] triangle ni Arra, ako and saka ni Candy, played by Betong, and they just keep posting the Arra side of it."

Matatandaan kasi na kamakailan lang ay kumakalat ang mga video clip ng sweet moments ng dalawa sa noontime show na “Eat Bulaga”.

MAKI-BALITA: ‘Co-hosting as a friend?’ Paolo Contis, Arra Agustin sweet sa Eat Bulaga

Hindi tuloy naiwasan ng mga netizen na magbigay ng mga ispekulasyon tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng relasyon ni Paolo sa jowa nitong si Yen Santos. 

Sa katunayan, hinanap pa nga nila si Paolo noong mag-birthday si Yen kamakailan. Nagsariling bati lang kasi ang huli sa Instagram account nito.

MAKI-BALITA: Yen nagsariling batì sa birthday; Paolo, hinahanap ng netizens