"This was a simple error of moving too fast..."

Naglabas na ng pahayag ang Miss Universe El Salvador hinggil sa una nilang inilabas at agad na binurang art card ng Top 5 finalists kung saan kasama ang pambato ng Pilipinas na si Michelle Dee.

Matatandaang naging usap-usapan kamakailan ang screenshot ng deleted art card na unang pinost ng El Salvador. Makikita rito na kabilang si Michelle sa Top 5, kasama sina Miss Australia, Miss Puerto Rico, Miss Nicaragua, at Miss Colombia.

Ngunit agad ding dinelete ng Miss Universe El Salvador ang nasabing art card, at base nga sa “updated version” ng pinost nilang art card, biglang nawala sa listahan si Michelle at pumalit naman sa spot niya si Miss Thailand.

‘Something fishy?’ Rhian, ni-repost trending art card ng MU Top 5 na kasama PH

Naging trending sa social media ang art cards ng Miss Universe El Salvador, kung saan shinare din ito ni Kapuso actress Rhian Ramos na nag-tweet din noong coronation night ng “something fishy.”

Dahil sa isyu, nito lamang Huwebes, Nobyembre 23 ay naglabas na ng official statement ang Miss Universe El Salvador, at sinabing kasalanan nila ang nangyari at ang naturang deleted post ay isa lamang daw “simple error.”

“Our mistake! In the rush to get our posts up during Saturday’s live broadcast, we accidentally mixed up the names of two finalists,” pahayag ng Miss Universe El Salvador.

“This was a simple error of moving too fast - we heard the same results live at the same time that you all did, no special access over here! We’re sorry to both finalists,” dagdag pa nito.

Ang El Salvador ang nagsilbing host country ng 72nd Miss Universe na ginanap noong Nobyembre 19, 2023 (Philippine time).

Ang pambato ng Nicaragua na si Sheynnis Palacios ang siyang kinoronahan bilang Miss Universe 2023.

Natapos naman ni Michelle ang kaniyang journey sa pageant bilang Top 10 finalist, kung saan inirampa niya ang isang gown na tribute sa legendary Filipina tattoo artist na si Apo Whang-Od.

https://balita.net.ph/2023/11/19/michelle-dee-inihayag-bakit-si-apo-whang-od-inspirasyon-sa-evening-gown/