Sinaway ng box-office director na si Cathy Garcia-Sampana ang mga kumakalat na espekulasyong inunfollow niya ang Instagram account ni Daniel Padilla.

Usap-usapan ang "unfollowing" umano ng mga kaibigan nina Kathryn Bernardo sa jowang si Daniel at sa Kapamilya star na nauugnay sa kanilang relasyon na si Andrea Brillantes.

Sey ni Direk Cathy, umpisa pa lang, hindi na siya naka-follow kay DJ.

Ni hindi nga raw niya alam kung ano ang tunay na Instagram account ng aktor.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Mga bakla huwag niyo na po ako idamay dito. Wala talaga kayong makikitang supremo dj sa followed ko kasi hindi ko naman siya fina-follow noon pa."

"Di ko alam totoong account niya kasi. 20 nga lang fina follow ko e. Noon pa. Kaya Huwag na po nating gawing issue. Wala nga akong alam inangkupo," aniya.

Si Direk Cathy ang nagdirehe ng ilan sa mga matatagumpay na pelikula ng KathNiel gaya ng "She's Dating The Gangster," "The How of Us," at iba pa.