Para kay showbiz columnist Cristy Fermin, ibigay na umano ng publiko sa "mag-jowang" Coco Martin at Julia Montes ang kanilang desisyong isapribado ang kanilang personal na buhay, lalo na pagdating sa kanilang relasyon at pagkakaroon umano ng mga anak.

Matatandaang napaulat na rito sa Balita ang pagsisiwalat ni Cristy sa kaniyang entertainment vlog na "Showbiz Now Na," na may dalawang anak na umano ang CocoJuls.

MAKI-BALITA: Lantaran na kasi: Mga anak nina Coco at Julia, pinangalanan ni Cristy

Ang panganay raw nila ay si Matilda, apat na taong gulang na babae, at ang bunso naman ay si Popoy na kabibinyag lamang kamakailan.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Usap-usapan naman daw sa kasalukuyan na umano'y buntis si Julia sa pangatlong anak nila ni Coco.

Para kay Cristy, ibigay na lang daw ng mga tao sa dalawa ang kanilang katahimikan, dahil unti-unti naman na raw silang nagbubukas ng kanilang estado ng relasyon sa publiko.

Kamakailan nga ay usap-usapan ang Italy trip ng dalawa, at talagang halatang-halata ang sweetness nila sa isa't isa.

Marami na raw naibigay ang dalawa sa publiko gaya ng kanilang acting prowess, at kung nagdesisyon daw ang magpartner na isapribado ang kanilang relasyon at mga anak, marahil ay pinoprotektahan lamang daw nila ang mga ito.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo nina Coco at Julia patungkol sa pasabog ni Cristy.