Guest ni Luis Manzano sa kaniyang talk show vlog na "Luis Listens" ang kontrobersiyal na Kapamilya star at nakasama sa "It's Your Lucky Day" na si Andrea Brillantes.

Unang tanong kaagad ni Luis, kumusta ang pakiramdam ng young actress na halos araw-araw siyang laman ng social media at nagte-trending pa.

Aminado si Blythe na kahit paano ay nakatutulong ito sa kaniyang showbiz career dahil lagi siyang napag-uusapan, sabi nga, good or bad publicity is still publicity.

Pero hassle din ito para sa kaniya dahil puro "negative" ang naiuulat patungkol sa kaniya, kahit wala naman daw siyang intensyong damputin ng media ang "pick-up lines" niya.

Eleksyon

Diwata, nabudol nga ba ng sinalihang party-list?

"May mga bagay na wala lang talaga dapat, or parang mag-aadvice lang ako, nagkataon lang kasi na kalog din ang ugali ko, kaya parang very pickable siya lagi, na medyo hassle na minsan kasi hindi ko naman ginusto talaga na kumalat or maging big deal 'to..." paliwanag niya.

"Maganda siya for my career, career wise, kasi laging maingay ang pangalan ko, pero nahahasselan ako minsan..."

Wish ni Andrea, sana rin pati ang inspirational pick-up lines na nasasabi niya ay dinadampot at nababalita rin.

"Sana lang, kung merong pick-up line na laging ano, parang napipick-up na nagiging relevant, sana rin 'yong ibang inspirational na mga sinasabi ko, kasintaas din no'n, hindi lagi 'yong... mga kuwela 'yong laging ano eh, 'yong laging may bitterness lagi..."

Reaksiyon naman ni Luis, sa realidad daw ay talagang mas pinag-uusapan ang mga negatibong bagay kaysa sa positibo.

"Unfortunately, human nature 'yon eh, masarap pag-usapan ang nega. Totoo 'yan, and sometimes, ano din tayo, guilty of it... sometimes... it's human nature..."

Sa dami ng isyung ibinato kay Andrea mula noong bata pa siya at hanggang ngayon, nananatili pa rin siyang sikat at talaga namang pina-follow ng maraming netizens.

Latest nga ang isyu ng umano'y palihim na pakikipagkita niya kay Daniel Padilla, kaya nadadawit siya sa isyung hiwalay na ang ang aktor sa kaniyang longtime jowa na si Kathryn Bernardo.

Lalong nagliliyab ang isyu dahil sa balita ng pag-unfollowan nina Andrea at Kathryn sa isa't isa, at hindi lang si Kath ha, pati ang malalapit na kaibigan nito.

MAKI-BALITA: Andrea inunfollow na rin si Kathryn, pero naka-follow kay Daniel

MAKI-BALITA: Sitsit ng source ni Ogie: Daniel at Andrea, palihim na nagkikita?

MAKI-BALITA: Kathryn Bernardo, inunfollow si Andrea Brillantes sa IG?