Usap-usapan ng mga netizen ang isang video kung saan makikitang tila "pinaalis" daw si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee sa grupo ng mga kandidatang nakahanap sa pictorial kasama si Miss Universe owner Anne Jakrajutatip at iba pang katao.

Inuulan ngayon ng iba't ibang interpretasyon ang video na naka-upload sa "Pageant Bulletin" kung saan makikitang nag-guest sa isang TV show sa Mexico sina Michelle at iba pang kandidata na kinabibilangan nina Miss Lebanon, Miss Germany, Miss Colombia, Miss Thailand, Miss USA, at Miss Venezuela.

Nilapitan ng isang dalawang babaeng staff si Michelle at binulungan, at pagkatapos ay makikitang inescort nila paalis si MMD.

Si Anne at ang iba pang kandidata naman ay nag-usap-usap at tila nagtatawanan pa.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens patungkol dito, lalo na ang mga Pilipino na hindi naunawaan ang lengguwaheng naririnig sa video. Anila, kung intensyon mang pinalayas si Michelle ay hindi raw deserve ng Pinay pride kaya pinalagan nila ito.

"Bakit kaya sinama pa nila si Michelle kung papaalisin din?"

"Ang hirap naman maintindihan... pero nakakaintriga bakit umalis at inescort pa si MMD."

"What's happening? Ano 'yon, pinalayas?"

"Idk pero naiiyak ako for MMD. Hindi niya deserve yung ganong treatment."

Ngunit ayon naman sa mga lumabas na ulat, prior daw nito ay nagpaalam daw si MMD na baka puwede na siyang mauna kagaad bumalik sa hotel dahil masama ang kaniyang pakiramdam. Pumayag naman daw dahil nakapag-pictorial na naman na sila at tapos na ang guesting.

"Before the media guesting she asked the staff if she can leave early kasi masama pakiramdam nya after the guesting and photos of the group were already taken the staff asked the owner if pede ba mauna sa hotel si MMD and they said yes so lumapit sila kay MMD to tell her that they asked on her behalf if she can leave early and the bosses said yes so she left na," paliwanag ng isang commenter sa comment section ng Fashion Pulis.

Pinatotohanan naman ito ng post ni MMD, "Suddenly felt so lightheaded so I'm going back to the hotel! Don't feel so well after that first media guesting."

"Love, empathy, & kindness over everything," dagdag pa niya.

Photo courtesy: Michelle Dee via Fashion Pulis

Bukod dito, nag-react naman si Kapuso star Rhian Ramos sa video nina Anne at Michelle kung saan makikitang "uncomfortable" ang huli sa mga nasabi ng una.

MAKI-BALITA: Rhian Ramos, nag-react sa ‘uncomfortable video’ nina MMD, Anne Jakrajutatip