Inamin ni Diamond Star Maricel Soriano na nagseselos umano siya kay Star for All Seasons Vilma Santos.

Sa latest vlog kasi ni showbiz columnist Ogie Diaz noong Lunes, Nobyembre 20, tinanong niya si Maricel kung nagselos umano siya kay Vilma dahil mas malapit dito ang kaibigan niyang si Roderick Paulate.

“Oo, sa lahat. Hindi lang Ate Vi. Mayroon pa, iba. Nagseselos talaga ako,” sabi ni Maricel.

Sa katunayan, may isa umanong pagkakataon na sinundo niya si Roderick at niyayang umuwi kahit may iba itong mga kasama.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Pero pag-amin ni Maricel, hindi naman umano siya sobrang nagselos kay Vilma. Alam naman niya kasing pare-pareho silang mahal ni Roderick bilang mga kaibigang babae nito.

“Pero iba ‘yung nag-selos ako na kasi may girlfriend na siya. Na siya lang ang nakakaalam. Na hindi niya ipinapaalam sa akin,” ani Maricel.

Paliwanag naman ni Roderick: “Ang ibig niyang sabihin, kumbaga inamin naman nila Vi di ba. Nagkaroon kami ng guesting tapos silang dalawa. Nagtawanan pa nga silang dalawa. Inamin nila na nagselos sila sa friendship.”

“Pero iba ‘yung selos ng friendship. Ang medyo uminit nito ‘yung naglilihim ka,” dagdag pa niya.

Ayaw raw kasi ni Maricel nang naglilihim dahil hindi umano siya nagtatago ng sikreto. Hindi rin siya magaling magsinungaling.

Bagama’t nagkakatampuhan ang dalawa, hindi naman umano umaabot ng taon dahil hindi raw iyon kayang gawin ni Maricel kay Roderick.

“Kaya ko ‘yung gawin sa iba. Pero kay Dick, hindi,” saad pa ni Maricel.

Sa kasalukuyan, matapos ang mahigit isang dekada, muling magsasama ang dalawa sa isang bagong pelikula na pinamagatang “In His Mother’s Eyes” na dinirek ni FM Reyes at mapapanood sa darating na Nobyembre 29.