Napag-usapan nina Cristy Fermin at co-hosts niyang sina Romel Chika at Wendell Alvarez sa "Showbiz Now Na" ang tungkol sa Italy trip nina Coco Martin at Julia Montes kamakailan.

Matatandaang maraming nagsasabing para daw nakawala na sa dilim ang dalawa at todo pakita na sa kanilang sweetness together.

Lantaran na nga raw kasi ang CocoJuls hindi kagaya dati, na todo-deny to death ang dalawa sa kanilang relasyon na nabuo dahil sa kanilang pinagsamahang teleserye sa ABS-CBN.

Sey naman ni Wendell, talagang nag-out na raw ang dalawa sa publiko at sino nga naman ang taong hindi makapagsasabing walang pagmamahalan sa pagitan ng dalawa batay sa kanilang mga larawan at video?

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

"Napaka-sweet nila sa Italy ha," sundot naman ni Cristy.

Ang talagang ipinunta raw ni Coco sa Italy ay dahil sa religious fulfillment nito na mabisita si Padre Pio, at dahil naroon na din lang, isinabay na raw nila ni Julia ang pagbabakasyon.

"Pero ang balita nga raw ngayon, nagdadalantao si Julia Montes," pasabog ni Cristy.

"Ang daming nakapansin kahit daw sa promo ng pelikula nila ni Alden Richards, laging nakasuot ng blazer, nagja-jacket, parang laging may itinatago," sundot pa ng showbiz columnist.

Sa mga ipinakikitang gestures daw ngayon ng dalawa, mukhang unti-unti na ngang ibinubukas ng dalawa sa publiko ang kanilang relasyong matagal na panahon daw nilang ipinanahimik. Ang lagi raw nilang sinasabi ay "What you see is what you get."

At dahil nga rito, nabanggit na nga ni Cristy ang patungkol sa matagal na ring "open book" na pinag-uusapang may anak na raw ang dalawa.

"Maglalakas-loob na po kaming magbigay ng ilang detalye tungkol sa kanilang relasyon pero sa positibong paraan ito," ani Cristy.

"Totoo po na meron na silang anak, si Coco at si Julia, apat na taong gulang na po ang batang babae na panganay nila. Bakit ko po sinabing panganay? May kasunod na po ang bata. Magdadalawang taon naman po at lalaki. Ang pangalan ng panganay nila ay Matilda, ang batang pong ito, ang pangalan ay isinunod sa nagpalaking lola kay Coco."

"At kamakailan lang po ay bininyagan naman ang batang lalaki. Siguro po naramdaman rin ninyo iyon noong may mag-post tungkol sa party, na meron pong cake sa likod na ang nakasulat ay Popoy. Iyon po ang pangalawang anak nina Coco at Julia."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, pahayag o kumpirmasyon sina Coco at Julia patungkol dito.