Tila malapit na umanong lumabas ang katotohanan tungkol sa kumakalat na isyu na kinasasangkutan nina Kapamilya stars Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, at Andrea Brillantes.

Sa latest episode ng Cristy Ferminute nitong Miyerkules, Nobyembre 22, hindi naiwasang maitanong ni showbiz columnist Cristy Fermin ang tungkol sa ginawang pagkuyog ng KathNiel fans kay Ogie Diaz kamakailan.

Matatandaan kasing nag-trending si Ogie at tinawag pang “fake news peddler” matapos niyang ibalita ang tungkol sa palihim na pagkikita umano nina Daniel at Andrea.

MAKI-BALITA: Sitsit ng source ni Ogie: Daniel at Andrea, palihim na nagkikita?

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

MAKI-BALITA: Fans nagwala: Ogie Diaz trending sa X

“Kung pinag-trending nila ‘yung ‘fake news peddler’, kapag kaya mayroon silang narinig na pasabog sasabihin din kaya nila ang ‘We’re sorry, Ogie Diaz’ or ‘I’m sorry, Ogie Diaz hindi ka naman pala fake news peddler’? Mag-trending din kaya ‘yun?” ani Cristy.

Dagdag pa niya: “Ang maganda doon, si Ogie nanindigan. Hindi niya inurungan ang laban. Kahit na sandamakmak ang mga namba-bash sa kaniya. Kaliwa, kanan, harap, likod. Talagang grabe. Grabe ang mga ipinakain na salita sa kaniya.”

Pero sa ngayon, tila wala pa talagang balak magsalita sina Kathryn, Daniel, at Andrea tungkol dito. Bagama’t tila unti-unting lumilinaw ang mga sagot sa maraming tanong dahil sa serye ng pag-unfollow ng mga sangkot na artista sa kani-kanilang social media account.

MAKI-BALITA: Andrea inunfollow na rin si Kathryn, pero naka-follow kay Daniel

MAKI-BALITA: Kathryn Bernardo, inunfollow si Andrea Brillantes sa IG?