Sa kabila umano ng #UnfollowSerye ng ilang mga personalidad, hindi raw ia-unfollow ni Ogie Diaz sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, at Andrea Brillantes kahit na hindi raw siya pina-follow ng mga ito.

MAKI-BALITA: #UnfollowSerye: Chie, Robi inunfollow na rin sina Daniel, Andrea?

“Grabe na yung isyu ng follow-unfollow. Dahil maraming nagmamahal kay Kathryn Bernardo,  bilang pakikisama, ayun, pinag-a-unfollow nila si Andrea Brillantes,” saad ni Ogie sa kaniyang Facebook post nitong Miyerkules.

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

“Anyway, wag kayong mag-alala, Kathryn, DJ at Blythe. Kahit di n’yo ako pina-follow sa instagram ko (@ogie_diaz), hindi ko kayo ia-unfollow,” dagdag pa niya.

Nakaka-tense rin daw ngayon lalo’t nababalita raw kapag ina-unfollow ang isang tao.

Biro ni Ogie, “Eh, paano nga kung i-unfollow ko yang tatlong bagets na yan tapos hindi naman maibalita o ma-viral na ‘Ogie Diaz, in-unfollow na sina KathNiel at Andrea!’ Ako pa napahiya, di ba?  Kaya ayoko nang mag-dare mag-unfollow. Baka sabihin, isa’t kalahating inggitera lang ako.”

“Pero ano nga kaya kung i-deactivate ko yung IG ko? Ma-viral na kaya?”

Matatandaang nag-ugat ang pag-unfollow ng ilang celebrity friends kina Daniel at Andrea dahil sa isyung pinakawalan ni Ogie hinggil sa sitsit sa kaniyang palihim na nagkikita raw sina Daniel at Andrea.

MAKI-BALITA: Sitsit ng source ni Ogie: Daniel at Andrea, palihim na nagkikita?

Unang napabalitang nag-unfollow si Kathryn kay Andrea at makalipas ang isang araw, nag-unfollow na rin si Andrea kay Kathryn.

MAKI-BALITA: Kathryn Bernardo, inunfollow si Andrea Brillantes sa IG?

MAKI-BALITA: Andrea inunfollow na rin si Kathryn, pero naka-follow kay Daniel