Tila may alam umano ang basketball player na si Ricci Rivero sa palihim na pagkikita ng kaniyang ex-girlfriend na si Kapamilya star Andrea Brillantes sa kapuwa artista nitong si Daniel Padilla.

Sa latest episode kasi ng “Showbiz Now Na” nitong Lunes, Nobyembre 20, binalikan ni showbiz columnist Cristy Fermin ang makahulugang paghamon ni Ricci sa kaibigan ni Andrea na si Bea Borres.

MAKI-BALITA: Ricci, pinatulan si Bea: ‘Tara sabihan tayo kung sino talaga kumakabit?’

“Para bang ang laman n’on e sino ang nauna sa kanilang dalawa [Ricci at Andrea]…Reading between the lines para bang ang ibig sabihin ng basketbolista e ‘Ano? Magkakasama kayo hindi n’yo alam? Sino ba ang nauna sa aming dalawa?’ Parang ganoon. ‘Yun ang naglalaro sa utak niya [Ricci],” saad ni Cristy.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Dagdag pa niya: “At ito na nga, alam na alam daw ng kampo nitong si Ricci Rivero ‘yung lihim na pagkikita ni Daniel saka ni Blythe.”

Sey tuloy ng co-host niyang si Rommel Chika: “Alam mo kung alam niya ‘yun at ‘di siya nagsasalita, napakabait ni Ricci.”

“Oo, oo. Na dapat noon pa niya ‘yun sinabi para mas makuha niya ‘yung simpatya ng publiko pati ng mga basher,” sang-ayon naman ni Cristy.

Pero para sa showbiz columnist, kung tutuusin, madali lang namang tuldukan ang isyung ito: magsalita ang mga sangkot na tao. Na dapat lang naman nilang gawin bilang malasakit sa kani-kanilang mga tagasubaybay dahil ang mga ito raw ang dahilan kung bakit sila nasa rurok ngayon ng tagumpay.

Hanggang ngayon kasi, wala pa ring inilalabas na opisyal na pahayag, tugon, o reaksiyon ang mga sangkot na artista sa nasabing isyu.