Matapos ipasilip ng Viu Philippines ang dalawang artistang gaganap sa Filipino adaptation ng “What’s Wrong With Secretary Kim?”, nag-trending naman sa X ang isa pang “Linlang” star na si Jake Ejercito.

Tila magkahalong gulat at panghihinayang ang naramdaman ng netizen dahil ang buong akala nila ay si Jake umano ang gaganap bilang Vice Chairman sa nasabing adaptation sa halip na si Paulo Avelino. Narito ang ilan sa kanilang mga reaksiyon:

“Jake Ejercito has more CEO vibes for me, but okay.”

“Thought it was Jake Ejercito. 🤔”

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Sayang din talaga si Jake Ejercito sa WWWSK Adaptation, yung itsura nya lakas maka mayaman”

“Ito na nan abscbn basta sumikat ang loveteam, sila na again 😭Bring back jake ejercito and a different leading lady na di nakakasawa tignan.”

“They should not have replaced Jake Ejercito. Bagay sa kanya yung mayaman na role. 🤦🏻‍♂️”

“Jake Ejercito mas bagay Ceo gwapo lakas aura as ceo”

“Magaling si Paulo Avelino pero mas interesting if si Jake Ejercito yung main lead. Ang lakas ng CEO vibes ni Jake.”

“hoy akala ko si Jake Ejercito ka partner niya dito”

Ang nasabing adaptation ay collaboration ng Viu at ABS-CBN at ipo-produce ng Dreamscape Entertainment. Bagama’t wala pang eksaktong petsa, nakatakda itong ipalabas sa darating na 2024.

MAKI-BALITA: Kim Chiu, Paulo Avelino bibida sa ‘What’s Wrong With Secretary Kim’