Asahang mas tataas pa ang jackpot prize ng Super Lotto 6/49 dahil walang pinalad na makapag-uwi ng mahigit ₱160 milyong premyo nito ngayong Martes, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa draw results ng PCSO, walang nakahula ng winning numbers ng Super Lotto na  13-16-18-15-37-29 na may kaakibat na ₱160,127,614.60.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Bukod dito, wala ring pinalad na makapag-uwi ng ₱146,625,053 na jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 dahil walang nakakuha ng winning combination na 20-35-27-07-19-33.

Wala ring nanalo sa Lotto 6/42 na may winning numbers na 25-03-39-27-08-35 na may kaakibat na ₱11,191,065 na jackpot prize.

Dahil dito, asahan na mas tataas pa ang mga papremyo ng mga naturang lotto game.

Binobolo ang Super Lotto tuwing Martes, Huwebes, at Linggo habang kada Martes, Biyernes, at Linggo naman ang Ultra Lotto. Tuwing Martes, Huwebes, at Sabado naman ang Lotto 6/42.