Inihayag ng Social Weather Stations Report (SWS) nitong Lunes, Nobyembre 20, na bahagyang bumaba ang bilang ng mga pamilyang Pilipino na nakaranas ng gutom sa ikatlong quarter ng taon.
Sa ulat ng SWS, nasa 9.8% na ang mga pamilyang Pilipino na nakaranas ng “involuntary hunger” o nakaranas ng gutom ngunit walang makain isang beses sa nakalipas na tatlong buwan.
Mas mababa umano ang naturang datos kung ikukumpira sa 10.4% na naitala noong ikalawang quarter ng 2023.
MAKI-BALITA: Bilang ng pamilyang Pinoy na nakaranas ng gutom, tumaas – SWS
Samantala, inihayag naman ng SWS na pareho pa rin ang bagong datos sa naiulat na bilang ng mga pamilyang gutom noong 1st quarter ng taon.
MAKI-BALITA: 2.7M pamilyang Pinoy, nakaranas ng gutom sa 1st quarter ng taon – SWS
Ayon pa sa SWS, nagkaroon umano ng pinakamataas na bilang ng mga pamilyang nakaranas ng gutom sa Metro Manila sa 17.3%.
Sumunod naman ang Balance Luzon (o Luzon sa labas ng Metro Manila) na may datos na 10.3%, at ang Visayas at Mindanao na parehong may datos na 6.7%.
Isinagawa umano ang nasabing survey mula Setyembre 28 hanggang Oktubre 1, 2023, sa pamamagitan ng personal na pakikipanayam sa 1,200 indibidwal na ang edad ay 18 pataas.