Nabagbag ang damdamin ng mga netizen sa pagkikita nina Isabelle Daza at Elvie Vergara, ang kasambahay na umano'y nabulag matapos maltratuhin ng kaniyang amo kamakailan, at naging laman pa ng mga balita.

Matatandaang matapos mabalitaan ang tungkol dito ay personal na pinangasiwaan ni Isabelle ang donation drive para sa kaniya.

Makalipas ang ilang buwan ay nakalikom na siya ng ₱1,000,000 na agad niyang ibinigay kay Elvie.

"Finally was able to give the money to Elvie Vergara herself. A total of ₱1,000,000 in a Manager’s check…To those who donated you have helped change a life 🥹 and thank you for trusting me that I wouldn't scam you lol," anang Isabelle.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sinabi ni Isabelle na ang kaniyang akto ay maliit na regalo lamang para kay Nanay Elvie. Personal niyang iniaabot ang mga nalikom na perang ipinagkatiwala sa kaniya ng followers niya.

May mga nagbigay raw ng ₱25, ₱30 dahil iyon lamang ang kaya nila, subalit pinili pa rin nilang magbigay kaya ipinagpapasalamat pa rin ito ni Isabelle.

Pinusuan naman ng mga netizen ang ginawa ni Isabelle.