Kinaaliwan ng mga netizen ang isang meme patungkol kay Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee kung saan inedit ang kaniyang pag-awra sa MU stage suot ang black evening gown na inspired sa pinakamatandang mambabatok sa Pilipinas na si Apo Whang-Od.

Makikitang may hawak na cellphone si Michelle sa larawan (edited) kung saan makikita naman ang kontrobersiyal at pinag-uusapang deleted art card.

Base sa trending at kumakalat na umano’y official Miss Universe art card na ni-repost naman ng kaibigan niyang si Kapuso star Rhian Ramos sa X, pasok ang kaniyang kaibigan na si Michelle sa Top 5, kasama sina Miss Australia, Miss Puerto Rico, Miss Nicaragua, at Miss Colombia.

MAKI-BALITA: ‘Something fishy?’ Rhian, ni-repost trending art card ng MU Top 5 na kasama PH

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Samantala, agad umanong nabura ang naturang art card, at biglang pinalitan daw ni Miss Thailand ang spot ng Pilipinas sa bagong art card na pinost ng Miss Universe.

Kaya naman biro ng mga netizen, kung pagdating sa pag-screenshot ang pag-uusapan, hindi basta-basta ang mga Pinoy at talagang nangunguna riyan kaya walang kawala ang mga resibo, pruweba at ebidensya.

Nag-viral pa ang meme post ni "John Musa" patungkol dito.

"lakas ng pinoy sa screenshot e," aniya.

"wag nyo kinakalaban mga pinoy sa screenshot marami kaming resibo," aniya pa.

Narito ang mga reaksiyon at komento ng netizens patungkol sa nabanggit na screenshot.

"Basta, kailangan ipaliwanag ng Ms. Universe organisation kung bkit nawala si Michelle Dee sa top 5 na list na unang na upload tapos biglang napalitan ng Ms. Thailand! May dayaan nga bang naganap???"

"Hahaha pag Pinoy talaga, mabilis sa ganyan."

"Huwag ninyong hamunin ang mga Pinoy sa ss hahaha."

Samantala, wala pang sagot ang MU organization sa nabanggit na isyu.