Hindi nagpakabog sa kaseksihan ang dating Sexbomb Girl member Sugar Mercado nang umawra din siya mala-Julia Barretto.

Sa Instagram post ni Sugar kamakailan, makikita ang larawan niyang naka-two piece na pula gaya ng suot ni Julia sa kalendaryo ng Tanduay.

“Model ng alak, model ng utang. ‘Pag may alak, may @juliabarretto. ‘Pag may bumbay, may sugar,” saad ni Sugar sa caption ng kaniyang post.

Dagdag pa niya: “Para-paraan puro kamot huwag masyado titigan. Pero kinis ganda 24/7.”

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Umani naman ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing larawan ni Sugar. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Huy! Grabe sya 🔥🔥🔥”

“Hayupppp haahahha”

“Mas ppiliin kta ms sugar❤️”

“Beautiful @sugarmercado7 🔥🔥🔥”

“Super Ganda mo nga ms @sugarmercado7 ❤️”

“🔥super hottie girl yan ang uso ngayon girl”

“Agahahahahhahahahahahahahhahahaha ung bulaklak talaga na pagkalaki ang nagdala”

“Slayyyy mi! 🔥🔥🔥”

“Omg”

Matatandaang kamakailan lang ay ipinakilala na si Julia bilang bagong Tanduay Calendar Girl para sa taong 2024. 

MAKI-BALITA: Ka-level ni Bea, Kylie: Julia Barretto, bagong Tanduay Calendar Girl 2024

Pagkumpara pa nga siya sa tita niyang si Gretchen Barretto na naging calendar girl din ng nasabing alak noong ‘90s.

MAKI-BALITA: Parehong Tanduay Calendar Girl: Julia at Gretchen pinagkukumpara