Nanawagan sa publiko si Senador Cynthia Villar na tangkilikin ang sariling produkto para makatulong umano mapalakas ang ekonomiya.

Sa kaniyang pahayag sa Association of Laguna Food Processors (ALAFOP) Calabarzon Food Solutions Hub (CFoSH) sa Sta. Rosa, Laguna, hinimok ng senadora ang lahat na tangkilikin ang one-stop shop ng Laguna local products at suportahan ang mga maliliit na negosyo.

National

Pag-imbestiga ng Senado sa drug war ni ex-Pres. Duterte, magandang ideya – Pimentel

Bukod dito, pinuri niya ang Association of Laguna Food Processors (ALAFOP) dahil sa pagbuo ng grupo ng processed food manufacturers upang palakasin ang kanilang puwersa.

Kasalukuyang nasa 79 na ang miyembro ng grupo mula sa 12 miyembro noong 2009.

Ang kanilang produkto ay Coconut Virgin Oil, Coconut Sugar, Mulberry Wine, Mulberry Jam, Mulberry Juice, Coconut Skim Milk, Lemongrass Hydrosol, Lemongrass Oil, Filipino snacks at deserts, turmeric beverage at turmeric powder.

Pinangunahan din ni Villar ang pagbubukas ng trade fair sa Vista Mall Santa Rosa kung saan makikita at mabibili ang mga produkto ng ALAFOP.