Sinimulan na ng Mandaluyong City Government ang pamamahagi ng 13th month pay para sa lahat ng mga regular at casual na empleyado nito.

Ito'y bilang maagang pamasko ng city government para sa kanilang mga empleyado.

National

Hontiveros, pinaiimbestigahan napaulat na mga Pinay na ginagawang surrogates abroad

Mismong si Mandaluyong City Mayor Ben Abalos naman ang nag-anunsiyo ng magandang balita sa kanyang lingguhang mensahe tuwing Lunes ng umaga, pagkatapos ng flag raising ceremony.

Nabatid na ang mga job order at contractual na empleyado ng city hall naman ay makatatanggap din ng cash incentive katulad ng natanggap nila noong nakaraang taon, at may dagdag pa mula kay Mayor Ben.

"Dito sa Mandaluyong ay iisang pamilya tayo. And your city is striving very hard to make everyone in the family happy this coming Christmas," ayon sa alkalde.

Dagdag pa niya, "Kaya't ngayon pa lang ay nagsisimula na ang pamahalaang lungsod na maghanda ng regalo para sa Paskong ito."

Sa kanilang panig, ikinatuwa naman ng lahat ng mga empleyado ang magandang balit at nagpaabot ng kanilang taos-pusong pasasalamat.