Isiniwalat ni “Linlang” star Kaila Estrada na dumating din umano sa puntong naghinanakit siya sa ama niyang si John Estrada.

Sa latest vlog kasi ni Kapamilya broadcast-journalist Bernadette Sembrano nitong Linggo, Nobyembre 19, tinanong niya si Kaila kung bakit tinanggap pa rin nila si John sa kabila ng katotohanang maraming anak ang hindi bukas ang loob para muling buuin ang relasyon sa magulang.

Matatandaan na matapos ang siyam na taong pagsasama bilang mag-asawa, nagkahiwalay sina John at ang aktres na si Janice De Belen noong 2001.

Bagama’t nagkahiwalay, nagkaroon naman sila ng apat na anak: sina Inah, Moira, Kaila, at Yuan.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

“Personally for me, I feel like at some point naging ma-pride din ako, e. ‘Kaya ko naman ‘yung sarili ko noong wala ka’, ‘yung ganyan. Pero after that, sabi ko, where will this pride get me?” saad ni Kaila.

Dagdag pa niya: “Wala namang patutunguhan ‘yung pride ko. I mean, this is my chance to rebuild my relationship with my Dad na alam kong I was longing for.”

Na-realize din kasi ni Kaila kalaunan na bata pa umano ang mga magulang niya noong mga panahong nagsimulang bumuo ng pamilya ang mga ito.

“They probably did not even know what they were doing. We need to give them the grace also to learn from that and to make bawi,” saad pa niya.

Pero sa ngayon, okay na okay umano ang relasyon ni Kaila sa kaniyang mga magulang sa kabila ng kanilang sitwasyon.